Sa pagdiriwang ng kanilang ika-limang anibersaryo bilang magkasintahan, inihayag ni Barbie Forteza sa Instagram post na hindi tipong 'prince charming' ang nobyong si Jak Roberto pero may katangian ito na kaniyang ipinagmamalaki.

“I used to dream of fairytales and having a prince charming one day but you have made me love my reality,” mensahe ni Barbie kay Jak sa IG post nitong Huwebes.

Ayon pa sa aktres, dahil sa nobyo ay naging "best version" daw siya ng kaniyang sarili dahil sa mga pagsubok na naranasan niya kasama ang aktor sa nakalipas na limang taon.

“You are no prince charming, but a man with the biggest heart to accept everything about me. Both good and bad,” ani Barbie.

“You are the man I never expected but you are the man that I’ve always needed,” dagdag pa niya.

 

 

Sa post, ibinahagi ni Barbie ang polaroid photos ng selebrasyon nila at inilarawan niya ang mga tagpo sa lyrics ng awiting “You’re Still The One” ni Shania Twain.

"Looks like we’ve made it, look how far we’ve come, my baby," saad niya sa caption.

Tumugon naman si Jak sa post ng nobya at sinabing,  “Tagos Mahal! I love you so much.”

May pagbati rin ang aktor sa nobya na kaniyang "travel buddy, food trip buddy, movie buddy, very supportive and sexiest girlfriend ever."

"Thank you so much sa pag motivate at pagpush mo sakin na kaya kong gawin ang lahat! More Travels, food trip and cozy years to us! Mahal na mahal kita," ani Jak sa IG post niya. —FRJ, GMA News