Nag-viral ang video sa social media ng isang lolo na muntik nang hindi papasukin sa isang showroom sa Davao City dahil sa kaniyang suot. Pero ang lolo, bumili talaga ng sasakyan.

Sa ulat ng GMA Regional TV News, ikiuwento ni Manuel Almere, 80-anyos, at retiradong associate professor, muntik na siyang hindi papasukin ng guwardiya sa car showroom dahil suot niyang damit na tila maruming, shorts at sapatos.

Hindi raw inakala ng mga empleyado sa car showroom na bibili siya ng kotse gamit ang cash.

Ayon kay Almera, malapit na raw siyang tanggihan ng guwardiya, pero pinapasok siya ni Michael Tolentino, isa sa mga sales consultant ng showroom.

Pinag-usapan nila kung aling sasakyan ang nais na bilhin ni Almera, na gagamitin niya sa pagsisimba. --FRJ, GMA News