Tulad ng pamosong linya na “Avengers, assemble!” sa "Avengers: Endgame" movie, nagsanib-puwersa ang mga kasama sa naturang pelikula para magpahayag ng suporta sa kanilang kasamahan na naaksidente, at nagpapagaling ngayon sa ospital na si Jeremy Renner.

Sa Instagram nitong Miyerkules, nag-post si Jeremy, kilala bilang si "Hawkeye," ng kaniyang larawan habang nakaratay sa ospital matapos operahan.

Bunga ito ng kinasangkutan niyang aksidente habang nagtatanggal ng snow.

Naunang sinabi ng kaniyang publicist na si Samantha Mast, na nagtamo si Jeremy ng “blunt chest trauma and orthopedic injuries.”

"Critical but stable condition" umano ang kalagayan ng aktor na nasa intensive care unit.

BASAHIN: Jeremy Renner, inoperahan dahil sa pinsalang tinamo sa snow plowing incident

Sa larawan ni Jeremy, mayroon siyang oxygen tubes sa ilong at kapansin-pansin ang galos at pasa sa mukha.

"Thank you all for your kind words. Im too messed up now to type. But I send love to you all," saad ng aktor sa caption.

 

 

Mabilis naman na nagkomento ang kaniyang “Avengers” family para suportahan siya sa kaniyang kinakaharap na laban.

Kabilang dito ang Russo Brothers na direktor ng “Avengers: Endgame.”

 

 


There were also Chris Hemsworth (Thor), Chris Pratt (Peter Quill), and Chris Evans (Captain America), who said Jeremy is definitely “tough as nails.”

 


 


 


 

Nagkomento rin sina Chris Hemsworth (Thor), Chris Pratt (Peter Quill), at Chris Evans (Captain America), na nagsabing “tough as nails” ang tibay ni Jeremy.

Libu-libong fans din ng aktor ang nag-react at nagkomento sa post ni Jeremy na hangad ang mabilis niyang paggaling. —FRJ, GMA Integrated News