Kilalang beach babe ang Kapuso actress na si Bianca Umali. Sa online exclusive ng "Amazing Earth," inilahad niya ang top 3 beaches na kaniyang napuntahan.

Una sa listahan ng aktres ang beach ng Siargao Island na matatagpuan sa Surigao del Norte.

Ayon kay Bianca, itinuturing niyang second home ang naturang lugar.

"It is a place where I am myself and I am free and at peace," saad niya.

Pangalawa naman ang Puka beach sa Boracay sa Aklan. Ani Bianca, isang special someone ang nakasama niya nang magpunta siya rito.

"We spent so much time and sa beach na 'yon nagkaroon kami ng core memory," pagbahagi niya.

Panghuli sa top 3 best beaches ni Bianca ang Bali sa Indonesia na itinuturing niyang "unique" kung saan nagbakasyon sila rito ng isang linggo.--FRJ, GMA News