Pinatunayan ni Max Collins na isa siyang certified hot momma sa suot niyang bikini habang dinadama ang init ng araw sa Boracay.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Max ng mga sizzling photo. Kabilang rito ang larawan na nakasuot siya ng silver two-piece bikini na nilagyan niya ng caption na "island girl."

Habang sa isa pang larawan, white bikini na may white fishnet tight naman ang suot niya.

Libu-libong likes at mga positibong komento naman ang ibinigay ng followers ni Max sa kaniyang posts. Mayroon nang dalawang taong gulang na anak ang Kapuso actress, na si Skye Anakin.-- FRJ, GMA Integrated News