Bukod kay Marian Rivera, isang Kapamilya actor ang nais na makatrabaho ni Carla Abellana.

Sa latest YouTube vlog ni Carla na bisita niya si Alex Gonzaga, sinagot ng dalawa ang ilang tanong para sa “Truth or Truth” video.

Kabilang sa mga tanong na kanilang sinagot ay: Who do you want to work with in the future?

“Marian Rivera, why not? Bilang lagi ko namang sinasabi, same lang kami ng manager,” sagot ni Carla sa naturang tanong.

Idinagdag pa ng Kapuso actress, “Papa P, isa ‘yan sa mga nasasabi ko. Papa P, Piolo Pascual. Mga dream kong maka-work.”

Nitong nakaraang Enero, nag-renew ng kontrata si Carla sa Kapuso Network matapos umano ng inilarawan niyang “a very scary year.”

Matapos ang kaniyang series na “Stolen Life” kasama sina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion, bibida naman si Carla sa GMA murder mystery series na “Widow’s War” kasama si Bea Alonzo.—FRJ, GMA Integrated News