Nagpaalala ang isang airline sa mga Pilipinong bibiyahe patungong Oman na kumuha ng sertipikasyon tungkol sa HIV test bago sila umalis.

Sa website nito, inilista ng Emirates ang mga entry restriction para sa mga Pilipinong pasahero.

“Nationals of Philippines must obtain a certificate of HIV test before departure. This does not apply to children,” saad nito.

Nakipag-ugnayan ang GMA News Online sa Embahada ng Oman para hingan ng pahayag na agad na ilalabas kapag mayroon na.

Nakatanggap ang Embahada ng Pilipinas sa Muscat ng mga ulat na ang ilang Pilipinong pasahero ang hinihingan ng kanilang mga travel document.

Gayunman, wala pa itong natatanggap na kumpirmasyon mula sa mga awtoridad ng Oman hinggil sa HIV test requirement.

“Filipinos intending to travel to Oman are encouraged to directly coordinate with their airline for the latest travel requirements and guidance,” payo ng embahada. — Sundy Locus/FRJ GMA News