Sa paglipat noon ng “Mars” mula GTV sa GMA Network, nagkaroon ng mga pagbabago sa programa kung saan pinalitan si Suzi Entrata ni Iya Villania bilang bagong kasama ni Camille Prats. Sumama nga ba ang loob ni Suzi kay Iya?

“Remember after seven years. From GTV to GMA7, and then Iya had to come in to do the show with Camille. Sumama ba ang loob mo?” diretsahang tanong ni Tito Boy kay Suzi sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

“Yeah,” birong sagot ni Suzi, na ikinahalakhak ng mga tao sa studio. “Actually, matagal ko nang tinatago ito.”

Pero seryoso niyang sagot, sinabi ni Suzi na, “Actually, siyempre I was sad na hindi ako kasama na lumipat ‘yung Mars. And I would've wanted to join the two of them. Or actually, kasi kami naman talaga ni Camille ‘yung original Mars. Kasi it would've been so awesome kung naging kaming tatlo.”

Matatandaang bukod sa Mars, napanonood din si Suzi sa Unang Hirit sa umaga.

“Parang it's two shows after UH, and then it's Mars again…” tugon ni Camille.

“In other words, overexposed ang ganda niya (Suzi)” hirit naman ni Iya.

Si Suzi, tiniyak na wala siyang sama ng loob kay Iya.

“But of course, I felt bad about it because everybody moved to GMA, except for me, to the main channel. Pero I made sure to message Iya, to let her know that, although it wasn't for me to say na it's okay with me, kasi hindi naman ako ‘yung nag-decision na ‘Ito ‘yung gagawin natin ha.’ But I just wanted her to feel comfortable,” sabi niya.

“That if it were anybody, I mean, I wanted, it would be so wonderful that it was her,” pagpapatuloy ni Suzi.

Si Iya naman, ipinuntong magkaibigan na sila ni Suzi noon, bago pa niya naging kaibigan si Camille.

“So I was really hoping when I came in, I was really looking forward to doing the show with Suzi. So, I was really stuck and I was like… And I remember talking to the bosses, ‘Sure ba kayo na hindi puwede kaming dalawa ni Suzi?’ All the more, all the more tatlo,” ani Iya.

Si Camille naman, sinabing si Suzi ang nagsisilbing person in common nila ni Iya

Ngunit ngayon magkakasama sina Camille, Iya, at Suzi sa podcast na “Kami Ang Inyong Mga…”

Mapakikinggan at mapapanood ito via stream sa YouTube, Spotify, at Apple Podcasts

Napanood sa GMA ang “Mars" mula 2012 hanggang 2019, at naging host ng programa sina Camille at Suzi.

Hanggang sa nagkaroon ng pagbabago show na ginawang “Mars Pa More,” na kinabilangan nina Camille, Iya, at Kuya Kim Atienza, na natapos noong 2022. – FRJ GMA News