Pumanaw na sa edad na 75 ang tinig sa likod ng iconic song na "Total Eclipse of the Heart" na si Bonnie Tyler.

Ibinahagi ng kaniyang pamilya ang malungkot na balita sa isang post sa kaniyang official Facebook page.

"Bonnie's family and team are heartbroken to announce that Bonnie unexpectedly passed away last night in hospital in Portugal as a result of the illness that she was being treated for," saad sa post.

"We will issue a further statement shortly but for now ask for privacy to deal with this tragedy," dagdag nito.

Sa mga naunang post sa naturang page, napag-alaman na dinala si Tyler sa isang ospital sa Faro, Portugal noong Mayo para sa “emergency intestinal surgery.”

Naging maayos umano ang operasyon peroa isailalim siya sa induced coma ng kaniyang mga duktor.

Noong Hunyo, ibinahagi rin ng pamilya na, “Bonnie is no longer in a coma, but remains very unwell and in intensive care in hospital in Portugal.”

Ilan pa sa sikat na mga awitin ni Tyler ay "Holding Out for a Hero", "It's A Heartache," Have You Ever Seen the Rain," at marami pang iba. -- – FRJ GMA News