Nagbahagi sa social media nitong Miyerkules si Bea Alonzo ng mga larawan kaugnay sa naging kasal nila ng negosyanteng si Vincent Co.
Sa Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang limang black-and-white na larawan mula sa kanilang simple at pribadong civil wedding sa Makati, kabilang ang larawan ng kanilang mga singsing at wedding cake.
“Home,” simpleng caption ni Bea sa post na may kasamang white heart emoji.
Ikinasal ang dalawa sa Makati City noong Lunes ng gabi, na pinangasiwaan ni Mayor Nancy Binay.
Kabilang sa mga celebrity na nagkomento sa post at bumati sa bagong kasal ay sina Carla Abellana, Lovely Abella, Yasmien Kurdi, at marami pang iba.
--FRJ GMA News

_2026_07_15_14_20_22.jpg)