Bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Northern Police District kaugnay sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa Caloocan City sa vlogger na si Alicia Lipata, na mas kilala sa kaniyang mga follower bilang si "Mima Alicia."
Sa inilabas na pahayag ng NPD nitong Biyernes, na binuo ang SITG "MIMA," “to ensure a focused, thorough, and expeditious investigation.”
Batay sa lumabas na mga ulat, binaril ng riding in tandem si Lipata kasama ang kaniyang live-in partner sa gilid ng daan sa Barangay 171 nitong madaling araw ng Biyernes, July 17, 2026.
Nasawi si Lipata, habang sugatan naman ang kaniyang live-in partner, ayon sa pulisya.
“The SITG has been directed to employ all available investigative and intelligence resources to identify, locate, and apprehend the perpetrators and establish the motive behind this crime,” saad sa pahayag.
Nanawagan din ang NPD sa publiko na may nalalaman sa nangyaring krimen na makipag-ugnayan sa kanila o sa pinakamalapit na police station.
Kilala si Lipata sa kaniyang mga content na may kinalaman sa pulitika.
– FRJ GMA News

