Matapos ang 29-taong love story, engaged na sina Aiko Melendez at Onemig Bondoc.

Sa Instagram, ibinahagi ni Aiko ang masayang balita at mga larawan nang mag-propose sa kaniya si Onemig.

"Imagine waiting 29 years for a love story to finally find its way back home," saad ni Aiko. "Today, I am engaged to the man who has somehow been part of my story for almost three decades."

Ayon kay Aiko, hindi naging diretso ang love story nil ani Onemig.

Nang muling dumating si Onemig sa kanyang buhay, aniya, wala sa kanilang dalawa ang “nangangailangang sagipin.”

"He came back when both our worlds were finally calm, peaceful, and aligned," pahayag ng actress-politician.

"This time, there were no circumstances forcing us to make a choice. No pressure. No need to prove anything to anyone," dagdag niya.

Sinabi ni Aiko na alam niya sa kaniyang puso na tama ang dahilan kung bakit niya pakakasalan si Onemig.

"Not because I have to. Not because circumstances tell me to. But because I genuinely, wholeheartedly choose him," aniya.

"Some love stories begin with once upon a time. Ours began 29 years ago, took a very long detour, and somehow found its way back. And now, after all these years, I get to marry the one I waited for," dagdag niya.

Kinumpirma nina Aiko at Onemig ang kanilang relasyon nitong Pebrero.

Sa isang vlog, ikinuwento ni Onemig kung paano niya niligawan noon ang isang babae at hinintay niya ito ng ilang oras sa Subic ngunit hindi naman dumating.

Kalaunan, inamin ni Aiko na siya ang tinutukoy ni Onemig na hindi sumipot sa usapan nila ng aktor noon.

Parehong may dating mga asawa ang dalawa pero kapuwa na sila annulled ngayon.

—FRJ GMA News