Kahit walang apoy, nagawa ng isang netizen na makapagluto ng itlog na ibinilad niya sa init ng araw sa Laguna.

Sa ulat ng GNT "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing tatlong oras na ibinilad sa araw ni Cecile Jusi-Baltasar sa labas ng kanilang bahay ang sunny side up egg na nakalagay sa kawani.

Dakong alas 12 ng tanghali  nang iwan niya ang kawani sa semento na pinaglalagyan ng itlog na may mantika.

At pagkaraan ng tatlong oras, naluto na ang sunny side up egg.

"Welcome to the Philippines, where sunlight can get so harsh, it can literally cook an egg!" saad ni Cecile sa kaniyang post sa social media.

Naisip lang daw niyang magluto ng itlog bilang eksperimento dahil sa tindi ng init ng panahon.--FRJ, GMA News