Kinaaliwan ng netizens ang isang aso dahil sa tila "itinuro" niya kung sino ang "pangit."

Sa ulat ni JP Soriano sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, ipinakita ang viral video na nakapuwesto ang asong si "Lucky" sa upuan katabi ang amo niyang lalaki.

Madidinig naman ang isang boses na tinatanong si Lucky kung sino ang pangit.

Kasunod nito ay titingin ang aso sa katabi niyang amo.

Ilang ulit na tinanong ang aso at ilang ulit din siyang tumingin sa kaniyang katabi na natawa rin lang.

Pero sa isa pang video, makikita naman ang pagiging malapit ni Lucky sa kaniyang amo.

Ang naturang post sa GMA News, mayroon nang mahigit 500,000 views. -– FRJ, GMA News