Isinilang sa Sumburu, Kenya sa Silangang Africa ang kambal na mga elepate, at ayon sa mga eksperto napaka-rare ng kambal na elephant births .

Sa ulat ng China Global Television Network (CGTN), sinabing isinilang ang elephant twins sa Samburu National Reserve noong January 20, 2022.

Napakabihira ang ganitong kambal na elepante dahil isang porsyento lamang ito sa pangkalahatang elephant births.

Samantala, sa post sa Twitter Reuters, kinumpirma din ang "rarity" ng twin elephant births.

—LBG, GMA News