Walang takot na hinahalikan, nilalaro at kinakausap ng isang 17-anyos na binatilyo ang dalawa niyang alagang cobra sa Solsona, Ilocos Norte.

Sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing natagpuan ng binatilyo ang mga cobra sa bukid.

Ayon sa binatilyo, sumama ang mga ito sa kaniya kaya inuwi niya ito sa bahay.

Pinakakain ng binatilyo ang mga alagang cobra ng mga palaka at daga.

Makamandag ang mga tuklaw ng cobra, na posibleng ikamatay ng mga makakagat nito. — Jamil Santos/VBL, GMA News