Ipinamalas ng isang driver at kaniyang konduktor sa Palawan ang kanilang katapatan matapos nilang ipagbigay-alam sa kinauukulan ang naiwang medyas sa kanilang bus na may lamang pera, at dolyares pa.

Sa ulat ng GMA “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing nitong nakaraang Linggo nang makita bus driver na si Sergio Gamurazan at konduktor na si Romnick Ponce de Leon ang medyas na may laman na Sa loob ng medyas, nakasilid ang aabot sa US$3,000 o mahigit P100,000.

Kuwento ni Gamurazan sa Super Radyo Palawan, hindi pa natutukoy kung sino ang may-ari ng pera dahil marami raw silang hinatid na pasahero nang araw na iyon.

Nasa kanilang opisina ang napulot na pera at puwedeng kunin ng mapapatunayang may-ari. --Sherylin Untalan/FRJ, GMA Integrated News