Pinatunayan ng isang 82-anyos na lola na wala sa edad ang pagiging adventurous matapos siyang mag-skydive sa Siquijor. Ang lola, itinuturing na pinakamatandang nag-skydive sa isang dropzone roon.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Martes, mapapanood sa video ng Skydive Siquijor ang G na G at adventurous lola na si Iluminada Fabroa.

Bago nito, naakyat na rin ni Lola Iluminada kasama ang mga apo ang Mt. Pulag at Mt. Apo, na hindi niya nagawa noong kaniyang kabataan.

Noon pa man, competitive na raw si Lola Iluminada dahil isa rin siyang attorney at certified public accountant.

Si Lola Iluminada na ang pinakamatandang nag-skydive sa isang dropzone sa Siquijor dahil sa kaniyang pinakabagong adventure.

Sinabi ni Lola Iluminada na “I feel great” matapos siyang mag-skydive. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News