Nasagip ang isang baboy na isinasakay sa bangka matapos itong tumalon sa dagat sa Jordan, Guimaras.Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa video na isinasakay na ng isang lalaki ang baboy sa isang bangka sa pantalan.Ngunit ang baboy, tumalon kaya napunta sa dagat at lumangoy.Tatlong lalaki ang nagtulungan na makuha at mailigtas ang baboy na nagpupumiglas. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News