Nasagip ng mga awtoridad ang apat na mga babae, kabilang ang isang menor de edad, sa Dumaguete City sa Negros Oriental mula umano sa isang cybersex den.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes ng umaga, sinabi ring naaresto ang suspek na foreigner at ang ka-live-in niyang Pinay.

Naakuha sa raid sa bahay ng mga suspek ang ilang laptops, Wi-Fi routers, at sex toys na ginagamit sa iligal na gawain.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga naarestong suspek. Nai-turn over na rin umano sa city social welfare office ang mga na-rescue na mga biktima.

Samantala, nahaharap naman sa patung-patong na kaso ang mga suspek. —LBG, GMA News