Answered prayer para kina Alex Gonzaga at Mikee Morada ang pagdating ng kanilang unang baby na isang lalaki. Inihayag din nila ang pangalan ng bata.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres at content creator ang ilang larawan nilang mag-asawa, kasama ang kanilang baby.
"Exactly one month ago, we finally met our baby boy, Isaac Gerard G. Morada," saad ni Alex sa caption.
"Thank you Jesus, for a successful CS delivery and for giving us our answered prayer, our son Isaac," dagdag niya.
Taong 2021 nang magpakasal sina Alex at Mikee. Noong Mayo, inanunsyo ng mag-asawa na buntis muli ang aktres matapos makaranas ng tatlong miscarriage.
Sa nauna niyang vlog, kinumpirma ni Alex na nanganak siya noong August. At nitong nakaraang linggo lang niya ipinasilip sa kaniyang followers ang mukha ng sanggol.
—Nika Roque/FRJ GMA News

