Nakatakdang mapanood sa free TV ang Barangay Love Stories na hosted ng award-winning FM radio DJ at host na si Papa Dudut ng Barangay LS 97.1 Forever.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing present sa media conference kamakailan ang mga bibida sa upcoming episodes nito kasama sina Anthony Constantino, Sofia Pablo, Iñigo Jose, Ashley Sarmiento at Lee Victor.

Paglalahad ng cast, aasahan ang kilig, drama at may kasamang katatakutan sa mga kuwentong Barangay Love Stories.

Inihayag ng ilang Kapuso Executives ng GMA Public Affairs ang kanilang full support sa programa, tulad nina Senior Vice President Nessa Valdellon, Vice President Arlene Carnay, Assistant Vice President Nowell Cuanang at GMA Radio First Vice President Glenn Allona.

Mapanonood na ang Barangay Love Stories simula Setyembre 12 sa GMA Network. -- Jamil Santos/FRJ GMA News