Nanalo ang animated feature film ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na “58th” ng tatlong major awards sa Manila International Film Festival.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Martes, sinabing kasama rito ang Best Picture sa Documentary category.

Wagi rin ang 58th ng Best Director para kay Direct Carl Joseph Papa at Shining a Light Award para kay Reynafe Castillo.

Si Castillo ang anak ng photojournalist na si Bebot Momay, na hindi pa rin natatagpuan ang katawan hanggang ngayon matapos masawi sa Maguindanao Massacre noong 2009.

Ang paghahabol sa hustisya ni Castillo ang naging sentro ng dokumentaryong “58th.” – Jamil Santos/FRJ GMA News