Nagbigay ng pahayag ang GMA Network tungkol sa insidente na kinasangkutan ng isang production vehicle nito at isang aso.
“GMA Network is aware of the distressing incident involving a dog and one of its production vehicles. We have already reached out to the dog's owner to offer support and assistance,” sabi nito sa pahayag.
“GMA is taking this matter with utmost care and is committed to addressing it responsibly.”
Batay sa isang post ng kaanak ng may-ari ng aso, sinabi niyang medyo nakalalakad na ang isang aso.
Matapos ang insidente, ipapasuri nila sa beterinaryo ang aso. —Jamil Santos/VBL GMA News
