Isinilang na ni Joyce Ching ang ikalawang anak nila ni Kevin Alimon.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Joyce na ipinanganak na niya ang pangalawa nilang baby na si Enzo Rafael.
“Officially a family of four. Hello, Enzo Rafael! Welcome to our family. We love you,” caption ni Joyce, na nagbahagi ng larawan nila ni Enzo at Kevin sa delivery room.
Bumuhos ang mga pagbati mula sa mga kaibigan ni Joyce sa showbiz, kabilang sina Barbie Forteza at Bea Binene, na pumuno sa comment section.
Ibinalita ni Joyce ang kaniyang ikalawang pagbubuntis noong Mayo. Noong Setyembre, inihayag ng mag-asawa na inaasahan nila ang isang baby boy.
Ikinasal sina Joyce at Kevin sa isang garden wedding noong 2019.
Isinilang noong 2024 ang kanilang panganay na si Olivia.
—Jamil Santos/VBL GMA News

_2026_10_31_15_11_11.jpg)