Ilang local government units (LGUs) at paaralan ang nag-anunsyo na suspendido ang face to face classes o nagpatupad ng pagbabago sa oras ng klase sa Huwebes, November 19, 2026 dahil sa mataas na heat index at iba pang dahilan.

Narito ang listahan ng mga apektadong lugar:

  • Guinobatan, Albay-- Limitado ang face-to-face classes sa lahat ng elementary at secondary schools na mula 6:30 AM hanggang 10:45 AM dahil sa mataas na heat index forecast.
  • Aborlan, Palawan-- Suspendido ang lahat ng face-to-face classes sa public at private schools simula 12:00 noon ng November 18, 2026 hanggang November 19, 2026. Sakop ng suspension ang lahat ng antas, kasama ang Child Development Centers, Elementary, Junior and Senior High Schools, at Tertiary/TESDA institutions.
  • Sibonga, Cebu-- Pinaigsing class hours sa lahat ng public elementary at secondary schools simula sa November 19, 2026. Klase sa umaga: 6:00 am hanggang 10:00 am, at klase sa hapon: 2:00 pm hanggang 6:00 pm
  • Mactan National High School, Lapu-lapu City : Pinaigsing class hours simula sa November 19, 2026. Klase sa umaga: 6:00 am hanggang 10:00 am, at klase sa hapon: 3:00 pm hanggang 7:00 pm
  • St. Alphonsus Catholic School - Lapu-Lapu City Cebu Inc.— Grade School: Online Asynchronous Learning Modality through Google Classroom; High School: Online Synchronous Classes through Google Meet

I-refresh ang page para sa update— FRJ GMA News