Nakasama ang 12 bilyonaryong Pinoy sa taunang listahan ng world’s richest people ng Forbes sa pangunguna ng 94-anyos na si Henry Sy Sr. ng SM Group.

Si Sy, ang pinakamayaman tao sa Pilipinas, ay may net worth na $20 bilyon para makuha ang ika-52 puwesto sa listahan ng mga pinakamayamang tao sa mundo.

Noong nakaraang taon, nasa $12.7 bilyon ang yaman ni Sy, ang chairman emeritus ng  conglomerate SM Investments Corp.

Sumunod sa kaniya si  John Gokongwei Jr., founder ng JG Summit conglomerate na may net worth na $5.8 bilyon na pang-305 sa listahan.

Nasa ika-404 na puwesto naman si Enrique Razon Jr., may-ari ng International Container Terminal Services (ICTSI),  na may net worth ng $4.9 bilyon.

Mayroon namang $4.7 bilyong yaman si Lucio Tan ng LT Group para sa ika-441 na puwesto.

Pang-550 naman sa listahan ng pinakamayamang tao sa mundo si Tony Tan Caktiong ng fastfood giant Jollibee Foods Corp.’s  na may $4 bilyong net worth.

Mayroong $3.9 bilyong net worth si GT Capital’s George S.K. Ty para sa ika-572 puwesto.

Pasok din sa ika-791 puwesto ang dating Senate President at ngayo'y full time businessman na si Manuel "Manny" Villar ng Vista Land and Lifescapes Inc. na may net worth of $3 bilyon.

Pang 887 naman sa listahan si Andrew Tan ng Megaworld Corp. sa kaniyang $2.7 bilyong ari-arian.

Ang presidente ng San Miguel Corp. na si Ramon Ang, pang-965 sa listahan na may net worth ng $2.5 bilyon.

Ang Insurance magnate na si Robert Coyiuto Jr., chairman at CEO of Prudential Guarantee & Assurance, pang 1,650 sa listahan sa mundo at pang-10 sa listahan ng richest Filipino sa kaniyang net worth na $1.4 bilyon.

Ang founder ng Amazon.com na si Jeff Bezos ang itinanghal na richest in the world sa kaniyang net worth na $112 bilyon. Sinundan siya ng founder ng Microsoft na si Bill Gates na kayamanan na aabot sa $90 bilyon.— FRJ, GMA News