Nasawi ang dalawang pulis nang maka-engkuwentro nila ang mga umanoy miyembro ng New People's Army (NPA) sa San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat ni Sam Nielsen sa Super Radyo dzBB nitong Sabado, miyembro ang mga pulis ng Joint Force Provincial Mobile Force Company ng PNP.

 

 

Nakasagupa raw nila ang rebeldeng grupo na pinamumunuan umano ng isang Jorgio Safra.

Dinala sa San Jose District Hospital ang labi ng mga nasawing pulis.  

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga nagsitakas na rebelde. — Margaret Claire Layug/DVM, GMA News