Handa na si Jillian Ward na dalhin sa mas malaking entablado ang kaniyang trending performances para sa kaniyang first-ever concert sa New Frontier Theater sa Disyembre 8.
“Talagang nag-undergo po ako ng proper training, doon ko po na-realize, may perfect timing talaga ang lahat. Nabubugbog po ako sa pag-practice, sa rehearsals. Meron akong slight stage fright. Like, lagi akong anxious pag nasa stage ako. So ngayon, medyo na ma-manage ko na po siya,” sabi ni Jillian sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Samantalang naghahanda para sa kaniyang concert, tuloy-tuloy rin ang taping ng Star of the New Gen para sa “Behind Closed Doors.”
Kasama sa kaniyang co-stars niya si Marian Rivera, na kaniyang nakatrabaho noong bata pa siya.
“Noong una nahihiya po ako sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya ‘Ate parang nahihiya ako sa iyo.’ Yesterday binanggit ko sa kaniya na sometimes quiet ako. So nagchikahan kami, siguro 30 minutes din kaming nagchikahan about life. So na-appreciate ko ‘yun sa kaniya, ate ko po talaga siya,” ani Jillian.
Good friends din sila ng ka-love team niya sa proyekto na si Anton Vinzon. Hindi na kailangan ng warm-up sa pagitan nila.
“Si Anton kasi ‘pag may night out with friends, nakakasalubong ko siya kasi kumbaga ‘yung friends ko, friends niya din, gano'n. Kumbaga kilala na rin namin po isa't isa. So masasabi ko, super bait si Anton,” ani Jillian.
Unang inanunsyo ang concert ni Jillian noong Abril, at orihinal na nakatakda noong Hulyo 31, pero na-reschedule sa Disyembre “due to unforeseen circumstances.”
Guests sina Ogie Alcasid, Zephanie, Darren Espanto at Flow G. —Jamil Santos/VBL GMA News
