Kasalukuyang nasa Libingan ng Mga Bayani sa Taguig City ang may 400 na locally stranded individuals (LSIs) habang naghihintay sa kanilang sundo na mga  bus na magdadala sa kanila sa port area.

Galing ang mga LSI sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Sa ulat ng "Unang Hirit" nitong Huwebes ni Bam Alegre, sinabing ang mga LSI ay nakatakdang umuwi sa kani-kanilang mga probinsya sa Regions 8, 9, at 11, kasama na ang papuntang Palawan sa Mimaropa.

Nakatakda silang sunduin ng mga bus mula sa Taguig dakong alas-sais ng umaga at inaasahang pag dating ng alas-otso ng umaga ay nakahanda na silang bumiyahe sakay ng mga barko ng Philippine Coast Guard patungo sa mga probinsya. —LBG, GMA News