Huli sa akto na nagnanakaw ng gasolina ang isang truck driver sa Kauswagan, Lanao del Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Sinasalin ng suspek ang gasolina sa mga drum at saka binibenta sa tindahan.

Ayon sa mga pulis, mahigit 500 litro ng gasolina ang nakumpiska sa suspek.

Nagsisisi naman ang suspek na nagipit lang daw kaya niya nagawa ang pagnanakaw.

Gayunpaman, sasampahan pa rin siya ng reklamo maging ang may-ari ng tindahan kung saan binibenta ang mga nakaw na gasolina. —KBK, GMA News