Tatlong Chinese nationals ang nasagip matapos umanong ipadukot at ipabugbog ng amo nilang isa ring Chinese national, ayon sa ulat ni John Consulta sa Unang Balita nitong Biyernes.

Nasagip ang tatlo ng National Bureau of Investigation (NBI) noong August 5 sa Parañaque.

Pinagbintangan daw ang tatlo ng kanilang supervisor na nagnanakaw ng pera ng kumpanya para ipadala sa kanilang mga kaanak sa China.

Itinanggi ng mga biktima na nagnanakaw sila sa kumpanya.

Apat na Chinese nationals ang naaresto at nasampahan ng kasong kidnapping at serious physical injury. —KBK, GMA News