Patay ang isang Nigerian na lider umano ng isang drug group matapos manlaban daw sa buy-bust operation sa Pasig City, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang napatay na suspek na si Emmanuel Christopher Chukwuma, na nagtangka umanong manlaban sa mga pulis.

Pangantlong operasyon na raw ito ng Drug Enforcement Group ng Philippine National Police na Nigerian ang sangkot. Ang una raw ay sa Las Pinas at ang pangalawa ay sa Pampanga.

Pinaniniwalaang si Chukwuma ang lider ng grupo ng mga Nigerian na sangkot sa droga. Dalawang kilo ng shabu ang nakuha sa kaniya. —KBK, GMA News