Isang bangkay ng lalaki ang nakitang palutang-lutang sa Pasig River nitong Sabado ng gabi.

Ayon sa Manila Police District, nakita ng isang bangkero ang bangkay pasado alas-siyete ng gabi sa bahagi ng ilog na sakop ng Sta. Ana, Maynila, base sa ulat ni Jhomer Apresto sa Dobol B sa News TV nitong Linggo.

Nakasuot ng asul na T-shirt at maong na pantalon ang lalaki.

May taas itong 5'5" at tinatantiyang nasa edad 50 hanggang 60 anyos.

Itinali ng bangkero sa Sta. Ana Ferry Station ang bangkay at kaagad ipinagbigay-alam sa mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —KG, GMA News