Nahuli-cam ang pamamaril ng mga armadong lalaki sa dalawang lalaki na nakitang kinakaladkad nila sa Malate, Maynila.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Miyerkules, makikita ang unang biktima na sapilitang isinasama ng mga armadong lalaki na pawang may takip sa mukha.

Ang ikalawang biktima naman, kinakaladkad ng mga salarin habang niyayakap ng isang babae.

Pero hindi nagtagal, binaril na ng mga salarin nang malapitan ang lalaki sa harap ng babae.

Ang lalaki na unang nakitang kinuha ng mga salarin, pinatay din.

Nangyari ang krimen habang maliwanag pa.

Iniimbestigahan pa kung sino ang mga salarin at ano motibo sa likod ng krimen.--FRJ, GMA News