Tatlong drug suspects ang patay matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay at Taguig, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sa Paranaque unang nagkasa ng buy-bust ang mga otoridad laban sa isang alyas Richard na isa umanong big-time pusher.

Matapos daw ang negosasyon ay pumayag ang suspek na makipagkita sa mga buyer sa isang subdivision sa Bicutan, Taguig. Umakma raw na bubunot ng baril ang suspek nang mahalatang pulis ang mga kausap niya pero naunahan siya ng mga otoridad.

Aabot sa P35 milyon ang nakuhang shabu mula sa suspek.

Sa Pasay naman, dalawang suspek ang napatay matapos din umanong manlaban sa mga pulis. Nakuha sa kanila ang nasa P41 milyon na halaga ng shabu at isang baril. —KBK, GMA News