Nagpaliwanag ang American socialite at celebrity na si Khloe Kardashian tungkol sa viral photo niyang naka-bikini na pinatatanggal niya sa internet.

Sa ulat ng GNT "State of the Nation" nitong Biyernes, sinabing ang nag-viral na bikini photo ni Khloe ay nai-post sa social nang walang paalam sa kaniya.

Kasunod nito ay naglabasan ang mga komento na edited umano ang kaniyang mga sexy photo sa kaniyang Instagram account.

Para patunayan na hindi edited ang kaniyang larawan, nag-video si Khloe na naka-underwear lang at walang suot na pang-itaas at natatakpan ng kaniyang kamay ang kaniyang dibdib.

Iginiit din ni Khloe na may karapatan siyang hingin sa publiko na huwag nang i-share ang larawan na hindi umano nagbibigay ng hustisya sa kaniyang katawan.

Ayon sa ulat, may pinagdadaanang body image issue si Khloe na tinawag noon na "the fat sister."

Mensahe naman niya sa mga katulad niyang dumaan sa panghuhusga, gawin lang ang nais "and make sure your heart is happy." --FRJ, GMA News