Patay ang dalawang batang kapwa 3-anyos sa sunog sa isang bahay sa Caloocan City nitong Biyernes ng gabi.

Wala umanog naiwang nagbabantay sa mga bata nang sumiklab ang apoy sa residential house sa 190 Ana Bustamante St., 2nd Avenue, Barangay 43.

Iniulat ni Manny Vargas sa Super Radyo dzBB na isang batang babae at isang lalaki ang mga biktima na kapwa 3-anoys.

Ayon sa mga tauhan g Bureau of Fire Protection, walang kasama ang dalawang bata nang sumiklab ang apoy.

Apat umano ang pamilyang nakatira sa bahay  at naiwan ang dalawang pamilya ag dalawang bata.

Umabot lamang unano ng ilang minuto ang sunog, ngunit nang magsagawa ng mopping up operation ang mga firefighter, tumambad sa kanila ang katawan ang dalawang bata.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa unang palapapag sa dalawang palapag na bahay.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. —LBG, GMA News