Patay ang isang mag-ina sa sunog kanilang bahay sa bayan ng Leganes sa lalawigan ng Iloilo.

Iniulat ni Ivan Aguana ng Super Radyo dzBB-Iloilo nitong Sabado ng umaga na pinaghihinalaang na-suffocate ang mag-ina.

Kinilala ang mga biktima na sina Ana Vivian Ganon, 49-anyos at anak na si Anthony Kim Ganon, 21.

Dinala naman sa ospital ang isa pang anak ng biktima nanagtamo ng sugat matapos tumalon mula sa second floor ng kanilang bahay nang magising at nakitang malaki na ang apoy, ayon sa ulat.

Halos hindi na umano makilala ang mga sunog na katawan ng mag-ina.

Sa inisyal na imbestigasyon ng fire officials, nagsimula ang apoy sa ibaba ng bahay ng pamilya.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. —LBG, GMA News