Matapos gumaling sa COVID-19, makalalabas na ng ospital si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, ayon sa anak niyang si dating senador Jinggoy Estrada.

“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today,” saad ni Jinggoy sa Facebook post nitong Lunes.

Pinasalamat ng dating mambabatas ang mga duktor na nag-asikaso sa kaniyang ama, at sa mga taong nagdasal para sa paggaling ng dating pangulo.

“But most of all, we would like to thank our Lord Almighty for His love and guidance through all of this,” dagdag ni Jinggoy.

Noong Marso nagpositibo sa COVID-19 si Erap at may pagkakataon pa na inilagay sa intensive care unit.

Noong Abril 13, nagnegatibo na sa virus ang dating pangulo, na ipinagdiwang ang ika-84 na kaarawan noong Abril 19. —FRJ, GMA News