Nasagip ang isang lalaki na hinimatay at nawalan ng balanse at nahulog sa ilog sa Bilbao, Spain.

Sa video na kuha ni Serigne Sene, na mapapanood sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita ang ginagawang pagsagip sa 72-taong-gulang na lalaki.

Tinulungan siya ng mga migrant at isang off-duty police officer.

Ilang saglit pa, hinagisan sila ng life vests, at tumalon na rin ang isang tao para tumulong sa pag-rescue sa lalaki.

Tuluyang nahila ang lalaki patungo sa waterboat, saka siya dinala sa ospital para malapatan ng lunas.--Jamil Santos/FRJ, GMA News