Nasabat ang mahigit P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Batasan Hills, Quezon City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Arestado ang suspek na kinilalang si Mohammad Mokuah.

Nakuha mula kay Mokuah ang isang kilo ng hinihinalang shabu na itinago niya sa isang paper bag at ang marked money na ginamit sa transaksiyon.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News