Dalawang suspek ang tiklo ng pulisya nitong Linggo sa magkaibang kaso na pag-gahasa umano sa mga menor de edad nilang kamag-anak.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa “24 Oras Weekend,” isa rito ay isang ama na nang-gahasa at nabuntis umano ang sariling 12-anyos na anak.

Siya ay inaresto ng Eastern Police District (EPD) sa kasong rape at child abuse.

“Matagal-tagal din siyang nagtago sa iba ibang lugar from NCR and other provinces pero may nakapag-tip sa atin na bumalik siya kagabi at do’n na-tiyempuhan ng ating mga operatiba,” ani Eastern Police District Police Brigadier Geneneral Orlando Yebra.

Sumasailalim ngayon sa counseling and biktima at tumangging magbigay ng panayam ang suspek.

Sa kabilang dako, isang lalake ang arestado sa Cavite dahil sa dalawang counts ng statutory rape sa sariling umano nitong pamangkin na 4-anyos.

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek na most wanted sa Cavite sa bisa ng arrest warrant.

“Ang insidenteng ito ay nangyari pa since February 23, 2006. So if you will just imagine, the suspect has been into hiding for 16 years in three different locations,” sabi ni CIDG Cavite Provincial Officer Plt. Col. Benedict Poblete.

(Kung iisipin ninyo ay ang suspek ay nagtatago na sa loob ng 16 na taon sa loob ng tatlong magkakaibang lugar.)

Sabi ng suspek sa isang panayam na nagsisi raw siya kaya siya nasa bilangguan ngayon. — Giselle Ombay/DVM, GMA News