Patay ang isang habal-habal rider matapos barilin ng kanyang pasahero, at tinangay din ng salarin ang motor ng biktima matapos ang pamamaril.

Sa ulat ni Mai Bermudez as Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing nagyari ang krimen sa bahagi ng Tanyag Street, Barangay South Signal, Taguig City.

Kinilala ang biktima na si Jayson Galcit, 30-anyos, na taga-Tondo, Maynila.

Naulila ng biktima ang kanyang tatlong maliliit pang mga anak.

Batay sa kuha ng CCTV sa lugar, paghinto ng rider kinausap muna siya ng suspek, na bigla na lamang  bumunot ng baril at saka pinagbabaril ang rider.

Matapos ng pamamaril, tinangay ng suspek ang motor ng biktima.

Nagduda ang mga pulis na agaw-motor ang insidente. Ayon sa Taguig pulis, may person of interest na sila. —LBG, GMA News