Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P3.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Caloocan City, at naaresto ang suspek na kinailalang si Alyas Tibo.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes na nasamsam din ng mga pulis mula kay Tibo ang buy-bust money at isang brown sling bag.

Walang pahayag ang suspek. —LBG, GMA News