Dalawang mananaya ang tumama sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes ng gabi, June 23, 2022, at maghahati sa mahigit P73-M jackpot prize nito.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero sa nabanggit na draw ay 36-07-14-21-20-42.

Dalawa ang nakasaad na nanalo para maghati sa kabuuang papremyo na P73,777,794.40.

Samantala, wala naman tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na may kabuuang papremyo na P6,457,370.20.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 24-05-13-39-06-40.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng PCSO na mula sa Zamboanga City ang nanalo ng P8,910,000.00 sa Mega Lotto 6/45 draw noong June 20, 2022.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na tinamaan nito ay 17-32-23-14-25-18.

Habang mula naman sa Cavite ang solong nanalo ng P9,423,997.80 sa Lotto 6/42 draw noong June 16, 2022, na ang mga lumabas na numero ay 33-31-13-41-25-18.--FRJ, GMA News