Nalaglag ang isang delivery van sa bangin sa gilid ng SLEX-Susana Heights, bago dumiretso sa isang residential area sa Muntinlupa City.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabi ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na mahigit 20 talampakan ang lalim ng pinaghulugan ng van.

Parehong sugatan ang driver at pahinante ng van, ngunit narespondehan naman agad.

Hindi rin nagtamo ng sira ang mga bahay. —Jamil Santos/VBL, GMA News