Arestado ang dalawang umano'y lasing na mga lalaki na nagpaputok ng baril sa Barangay Tatalon sa Quezon City.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinalala ang mga suspek na sina Marcelos Bustaliño at Reynaldo Visto.
Pahayag ng mga pulis, nakatanggap umano sila ng tawag ng isang concerned citizen na nanggugulo umano ang dalawa, kaya agad silang rumesponde.
Nakuha mula kina Bustaliño at Visto ang isang baril na may mga bala.
Mahaharap sa patung-patong na reklamo ang dalawang suspek na hindi pa nagbigay ng pahayag. —LBG, GMA Integrated News
