Dead on the spot ang isang rider matapos mahagip ng isang truck ang minamaneho niyang motorsiklo sa palikong bahagi ng zigzag road sa Antipolo City, Rizal. Ang angkas niya, malubha ring nasugatan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Lunes, ipinakita ang video footage nang mahagip ng truck ang mga biktima sa kanang bahagi ng sasakyan.

Pumailalim sa truck ang rider, habang nagulungan din ang kaniyang angkas na patuloy na nagpapagaling sa ospital.

Naging pahirapan umano sa rescue personnel na makuha mula sa pagkakaipit ang rider.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig at may-ari ng truck na sasagutin nito ang pagpapalibing sa rider at ang pagpapagamot sa angkas. – FRJ GMA Integrated News