Isang mananaya ang tumama ng mahigit P25 milyong jackpot prize sa lotto 6/42 draw nitong Martes ng gabi, Enero 31, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na may isang tumama sa naturang draw matapos makuha ang mga kombinasyon na 31-41-29-25-20-08, at may kabuuang premyo na P25,490,659.00.

Sa kanilang Facebook page, nakasaad na binili ang winning ticket sa Pateros.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49, na ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 46-19-44-22-31-13, at may kabuuang premyo na P20,893,250.00.

Wala rin tumama sa P49,500,000.00 jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw na ang mga numerong lumabas naman ay 20-47-33-14-02-29.--FRJ, GMA Integrated News